Baao Camarines Sur, – Kalaboso ang inabot ng isang tulak ng illegal na droga matapos siyang malambat sa ikinasang buy-bust operation for Violation of RA 9165 ng mga operatiba ng Baao PNP sa Brgy. Sagrada Baao, Camarines Sur.
Dakong 5; 22 ng hapon nitong September 28, 2023, sa nasambit na barangay, arestado ang suspek na si AKA “TRE”, 38 taong gulang, laborer, residente ng Zone 4, Brgy. Sagrada, Baao Camarines Sur, matapos na ito ay maaktuhang nagbebenta ng isang (1) heat sealed transparent plastic sachet na may lamang pinaghinihinalaang shabu (buy-bust item), sa isang operatibang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng limandaang piso (P500). Sa isinagawang pagsisiyasat sa katawan ng suspek na sinaksihan ng mga mandatory witnesses, nakumpiska mula sa kanya ang isang pirasong five-hundred-peso bill (P500.00) na nagsilbing buy-bust money, at apat (4) piraso pa ng heat sealed transparent plastic sachets na may lamang pinaghinihinalaang shabu.
Ang illegal na droga na nakumpiska ay tinatayang may timbang na 1.0 gramo, o may street value na nagkakahalaga ng (P6,800.00) pesos.
Sa kasalukuyan ang arestadong suspek at ang nakumpiskang illegal na droga ay nasa pangangalaga na ng Baao Municipal Police Station habang inihahanda ang mga kasong paglabag ng RA 9165 o (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa kanya.
Hinihikayat ng Baao MPS, sa pangunguna ni PMAJ DENNIS G QUINDARA, COP, ang taumbayan na patuloy na makiisa sa mga layunin nitong gawing mapayapa at maayos ang ating bayan sa pamamagitan ng pagsugpo sa kriminalidad at anumang illegal na gawain.
Article source: (20+) Facebook