Mayor Jeff Besinio (center) with Municipal Budget Officer hayres Baraero(left) and MPDC Erwin Contreras

October 16, 2021-LGU Baao met the prescribed deadline for passing the proposed 2022 Executive Budget to the Sangguniang Bayan of Baao last Friday, October 15, 2021. In an FB post by the Municipal Mayor, he stressed the importance of preparing the Annual Budget on time and thanked the people who worked hard in its immediate passage. The post reads:

Ang pagpasa ng ANNUAL BUDGET ay isa sa pinakamahalagang tungkulin ng inyong gobyerno sa kanyang mga nasasakupan. Ang masusing pagawa nito at maipasa sa lalong madaling panahon ay makapagbibigay ng agarang solusyon sa mga pangangailangang dapat tugunan, serbisyo at proyektong dapat mapuntahan ng pundo ng ating bayan. Kung kaya, bilang pagtalima sa Memorandum ng DILG na nagpapaalala ng ating responsibilidad na maipasa ang ating 2022 ANNUAL EXECUTIVE BUDGET sa loob ng talaang petsang ibinigay nila, ating naisakatuparan ang masusing pagawa at pagsumite nito sa Sangguniang Bayan upang kanila naman itong busisain at aprubahan.

Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagbigay ng kani-kanilang mahahalagang kontribusyon upang ito’y mabuo. Lalo na sa mga department heads, kay Municipal Budget Officer Hayres Baraero at MPDC Erwin Contreras sa kanilang pagsusumikap na ito’y maipasa sa tamang oras. Makakaasa po kayo na atin pong isinalang-alang ang mga mahahalagang pangangailangan ng ating bayan lalung-lalo na ng mga sektor na mas nangangailangan ng pagkalinga ng ating lokal na gobyerno. Ang mga proyekto at serbisyong nakapaloob dito ay nakatuon sa pagbangon, pagpaunlad at tuloy-tuloy na pag-angat ng antas ng kabuhayan ng lahat dito sa ating bayan. MARAMING SALAMAT PO!